Saturday, February 23, 2019

Kung Bakit Ako Sumulat


Mahal ko,

Kamusta?
Pasensya na, naistorbo na naman kita.
Ginabi ka na naman ng uwi, panigurado pagod ka na.
Gusto lang sana kitang makausap. Busy ka ba?

Kwentuhan mo naman ako ng araw mo.
Kahit saglit lang; kahit na ano.
Napagalitan ka na naman ba ng boss mo?
Si Jay, hinatid ka ba niya hanggang sa bahay nyo?
Kumusta kayo, di ka ba nya niloloko?
Ngapala, nakita kong binigyan ka n'ya ng puting rosas noong araw ng mga puso?
'Di ba iyon yung paborito mo?
Kwentuhan mo naman ako.

Gusto ko lang naman malaman ang estado mo.
O kahit malaman ko lang mga ginagawa mo.
Huwag kang mag-alala!
Kung may problema ka, nandito lang ako.
Kakargahin ko 'yang pasan-pasan mo, o kahit ikaw pa mismo.
Kung nasasaktan ka, naku, sanay na 'ko.
Tulad ng dati, sasaluhin ko lahat ng luha sa mga mata mo.
Pero sana ngayong araw, masaya ka.
Dahil bibilangin ko kung ilang beses lumabas yang biloy sa mga pisngi mo.
Kung gusto mo, iguguhit ko pa bawat pag-ngiti mo.
Tapos ibibigay ko mga obra ko - 'pag nagkita tayo.

O, napangiti na naman kita.
Huwag kang masyadong kiligin, baka ma-inlove ka sakin.
Demanding ako masyado, kaya mo ba 'kong mahalin?
Kaya mo bang magmahal ng dalawa -
Yung kalahati ng puso mo sa kanya, yung
kalahati sa akin?
Sige ka, saka si Jay, baka magselos siya.
Tama nang nag-uusap tayong dalawa,
Baka hanggang doon lang talaga.

O sya, ala-una na pala ng umaga, matulog ka na.
Napuyat na naman kita. Pasensya na.
Kausapin mo nalang ako 'pag may ibang oras ka.
Mag-iingat ka palagi. Mahal kita.

PS: Sana balang-araw ipakilala mo ko kay Jay, 'pag handa ka na.

Nagmamahal,

KAbkd

No comments:

Post a Comment